Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang-daang(100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng English, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila o Spanish at Arabo.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga bansang napapaloob sa Polynesia.
Tinatayang ito ang pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit bagamat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong nagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa;
- Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
- Tagalog:Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon,(kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ngMindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan(kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
- Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.
- Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
- Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
- Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
- Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
- Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
- Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.
No comments:
Post a Comment