Friday, December 25, 2009


Fuck you!.. Hayz..

Friday, December 18, 2009

Mga Idyoma


Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Mga Halimbawa: butas ang bulsa - walang pera ilaw ng tahanan - ina alog na ng baba - matanda na alimuom - mabaho bahag ang buntot - duwag ikurus sa noo - tandaan bukas ang palad - matulungin kapilas ng buhay - asawa nagbibilang ng poste - walang trabaho basag ang pula - luko-luko ibaon sa hukay - kalimutan taingang kawali - nagbibingi-bingihan buwayang lubog - taksil sa kapwa pagpaging alimasag - walang laman tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli pantay na ang mga paa - patay na mapurol ang utak - bobo maitim ang budhi - tuso maputi ang tainga - kuripot pusong bakal - di marunong magpatawad putok sa buho - anak sa labas may bulsa sa balat - kuripot

Ang Pag-ibig
Jose Corazon De Jesus





Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!

Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;

Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.




    Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!

Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;

Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!




    Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,

Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.

Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan, 

At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.



    Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,

Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!

Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,

Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!




    Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,

Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,

Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---

Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!




    Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib

Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:

Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:

Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!




    Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;

Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:

Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;

O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!




    "Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"

Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!

Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,

Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!




    Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,

Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,

Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,

At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!
10 Uri ng Manliligaw  [nabasa ko lang]


1. Mr. Gwapings - mayaman, gwapo,
kilala, at higit
sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya
na hindi sya mababasted, kaya pag
nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang
EGO. at teyk note, malas mo kung may sour
grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus
kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan
ko lang naman sya! pwe!"

2. Mr. Quickie :-X- ang type ng manliligaw na kada
magkikita kayo e wala nang alam na sabihin
kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love
you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang
linggo pa lang naman syang pumoporma. kung
baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis
ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything- linya nya ang "sagutin mo lang
ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan
mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." tanga ka
na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan,
makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker :o- eto yung type ng manliligaw na
pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong
na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan
pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong
kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-
ano pa. basta tungkol sa daily activities mo
kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it - pag binasted mo ang
ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas
may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding
hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman ;D- dadaanin ka sa matatamis na
salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya
mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang
ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o
kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng
mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot
ka lang.

7. Mr. Good Dog :-*- eto ang nakakatuwang
manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga
bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo.
kahit
magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo
ng mga barkada mo. napapakitang gilas kung
baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti
yan.

8. Mr. Anonymous 8)- motto nya ang "action speaks
louder than voice". wala kang kaalam-alam,
nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e
akala mo mabait lang talaga. hehe!

9. Mr. Second chance - :'( sya ang pinakamasugid
mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing
ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang
sasabihin nya parin "Please give me a second
chance"

10. Mr. Romantiko - jologs ang mga paraan nya sa
panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga
barkada mo, liligawan parents mo at laging may
dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw.
pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan



Jon! ^_^

Wala Na atang ibang hihigit pa sa ganda ng babaeng ito!.. Halos yata ng mabuting katangian ay nasa kanya na!,, sa madaling salita perpekto sa kabutihan at kagandahan di lang sa panlabas at panloob pa!.. Napakalaki na ng bagay kung siya'y iyong makikilala. At kung siya'y iyong kikilalanin talagang masasabi mong..Wala na nga yatang ibang hihigit pa! ^_^

Thursday, December 17, 2009

Important Notes

2010

January 4, Project in Filipino Submission [On date]

January 5, test in Calculus
Coverage : Limits and Derivatives Function

January 5, test in English
Coverage: Vocabulary Paraphrasing

January 5, test in Engineering Graphic
Coverage:  Slope, Grade, Classification, etc [I forgot]

Ang Talambuahay Ni Manuel L. Quezon


Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]
Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1]
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1]
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1]
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntangAustralya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1]
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac LakeFranklin CountyNew York noong Agosto 11944 sa gulang na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.[1]

Mga dahilan kung bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang-pambansa



  1. Ito ay wikang ginagamit sa punong-lungsod ng Pilipinas, ang Maynila at siyang lingua franca ng buong bansa.
  2. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang ugat at 700 na mga  panlapi.
  3. May pinakamaunlad na panitikan ito sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas.
  4. Ito ay wikang ginagamit ng nakakarami.
  5. Madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin ito.
  6. Ito ay kahalintulad ng maraming wikang local o diyalekto  tulad ng Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon Biko atbp.

Wika sa Pilipinas


           Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang-daang(100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng EnglishMandarinFookienCantoneseKastila o Spanish at Arabo.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga bansang napapaloob sa Polynesia.
Tinatayang ito ang pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit bagamat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong nagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa;


  • Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.




  • Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.




  • Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.


  • Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.






Mga lintik na Manyakis [Kinuha ko lng to sa isang site]

Ewan ko ba kung bakit daming nagkalat na manyak ngayon. Itigil nyo na, pwede ba, hmp. At kung di nyo man mapigil, sana mahuli kayo at ang unang gawin sa inyo e putulin yang mga etits nyo ng walang anesthesia.

Di ko mapigil ang tulo ng luha ko habang sinusulat ko itong post na ito. Dito ko na lang ilabas, nahiya ako kasi baka di usong maki-iyak dito sa Oyropa. Pero di ko talaga mapigil luha ko e. Bakit naman kaya ganito ang drama ni Kengkay ngayon? Itanong nyo kay tintin. Sya kasi yung kumalabit sa akin sa YM kanina habang emote na emote si Kengkay e. Salamat talaga tintin ha.

Pero kung pilitin nyo ko, ikwento ko sa inyo. Sige na pilitin nyo ako. Ayan, medyo natawa na si Kengkay sa ka-kornihan nya. Hirap ng mag-isa lang sa bahay e, ikaw na rin ang aalo sa sarili mo.

Balik tayo sa mga manyakis sa mundo.

Kahapon mga bandang alas onse ng umaga, sa isang paaralan na malapit dito sa amin. Isang anim na taong batang babae ang nagekyus sa klase para pumunta sa toilet at mag jingle. Pagbukas nya ng toilet, ano ang tumambad sa kanya? Isang lalaking may maskara sa mukha. Haneeeep. Talagang nag prepare ang manyak na ito, may baong maskara!

Maraming version na ang kwento. May nagsabing nakahubad na daw ang lalaki at sinabihan din yung bata na mag-hubad; kaya lang may pumasok daw na isang batang babae rin. Na nung nakita nung manyak e tinabig ito; at biglang nagtatakbo.

Itong version na ito ang unang narinig ko nung hinatid ko ang mga bata sa kindergarten. Sempre na-shock ako. Kasi parang sa mga balita mo lang yan naririnig. Parang malayong mangyari yan dito sa aming baryo. Pero nung narinig ko kung sino yung batang babaeng unang nakaharap ng lintek na manyak na yon, naiyak sa galit si Kengkay. Biglang umuwi. Ang kaso mo madadaan ko yung eskwelahan kung saan nangyari ang insidente. Naku, lalong nang-gitgit si ako. Kasi dito mag-aaral ang panganay kong anak next year.

At dahil, parang anak-anakan ko dito sa Alemanya yung batang muntik ng ma-sexually molested. Yung batang yon e isa sa mga best friends nitong panganay kong anak. Kapitbahay namin. Isa sa mga parating kumakatok sa bahay, at nakikitelebabad sa anak ko. Isa sa mga nakikipila sa ice cream at sa french fries at sa newly baked cookies. Ah basta, mula nung maliit sya at ngayong nawalan ng dalawang ipen sa harapan, e kilala ko na sya. Nakakasakit ng ulo, arrgh.

Gusto kong tawagan ang nanay nya, pero anong naman sasabihin ko? Sorry sa mga nangyari? Di yata sapat yon. Atsaka mabuti nga at walang nangyari di ba? Tinawagan ko si Kengkoy. Kinuwento ko habang hagulgul na naman beauty ko. Sabi nya puntahan ko daw. Sabi ko atsaka na kapag ready na ako. E baka cool lang yung nanay nung bata tapos ito namang si Kengkay overacting. Masyado kasi akong affected kapag tungkol sa mga bulilit ang topic e. Samantalang dati e pinagtatawanan ko yung mga umiiyak sa sinehan, hayy…

Ang narinig ko, hindi nahuli yung lintek na manyakis. Kahit na ang bilis mag respond ng mga pulis. Pero kumusta kaya yung bata? Nung sinundo ko sa kindergarten ang mga little kengkays e nakita ko syang nakasakay sa kotse ng nanay nya at super laki ng ngiti at kaway kaway pa sya sa akin. Hmm, teka muna, parang namilikmata ako. Pero am happy na happy sya.

Ngayong gabi, tinulak ko ang asawa ko na puntahan yung kapitbahay namin para lang itanong kung okay na yung bata. Nakausap nya ang nanay. Ang version e ito: nagpunta mag-isa sa toilet para juminggle. Pagbukas ng pinto sa toilet e may mamang nakamaskara sa harap nya. Hindi sya nakasigaw. Pero dahil may narinig atang kung ano yung mama, e biglang nagtatakbo palabas. Yun lang. At wala ng iba.

Kung ano ang effect nun sa bata, di natin alam. Kasi busy pa rin sa laro. At happy girl pa rin sya. Baka sa panaginip lumabas daw. O kaya e kapag medyo malaki na sya e dun sya magkaron ng trauma. Hindi natin alam. Sana lang, I hope and pray, na ang pagiging bata nya e magamit nya para malimutan ang masamang panaginip na ito.

Hindi ko alam kung papano iku-kwento sa mga bata ito. Pero dapat kong ikwento para alam nila ang dapat nilang gawin… Yung eskwelahan, kasi dito walang security guards at hindi closed ang gates e. Tapos hindi rin naka-lock yung main entrances nila.

Kaya ang ginawa nila, and implemented na since today: Buddy system. Na kapag may pupunta ng toilet during class hours, dala-dalawa. Tapos lahat ng class rooms e may naka assigned na pito (whistle) na dadalhin ng mag-buddy sa toilet. Isa ang maiiwan sa labas, at nakabukas ang pinto. Sinabihan din ang mga bata na sumigaw ng malakas kapag may na-engkwentong strangers or mga manyak na aliens.

Itong aking anak-anakan, kasama ng ka-grupo nyang naglalakad araw-araw; ay may nakasabit ng necklace na kapag binatak mo e puputok. Pang agaw attention, just in case. Aside pa dun sa in big groups na sila magsasabay-sabay ngayon.

Ewan ko ba. Tapos narinig ko pa yung nangyari sa Glorietta. (I pray for those affected and their families. Have faith.)

Nakakasakit talaga ng ulo di ba? Pero I still believe that the world is a beautiful place.