Thursday, December 17, 2009

Mga lintik na Manyakis [Kinuha ko lng to sa isang site]

Ewan ko ba kung bakit daming nagkalat na manyak ngayon. Itigil nyo na, pwede ba, hmp. At kung di nyo man mapigil, sana mahuli kayo at ang unang gawin sa inyo e putulin yang mga etits nyo ng walang anesthesia.

Di ko mapigil ang tulo ng luha ko habang sinusulat ko itong post na ito. Dito ko na lang ilabas, nahiya ako kasi baka di usong maki-iyak dito sa Oyropa. Pero di ko talaga mapigil luha ko e. Bakit naman kaya ganito ang drama ni Kengkay ngayon? Itanong nyo kay tintin. Sya kasi yung kumalabit sa akin sa YM kanina habang emote na emote si Kengkay e. Salamat talaga tintin ha.

Pero kung pilitin nyo ko, ikwento ko sa inyo. Sige na pilitin nyo ako. Ayan, medyo natawa na si Kengkay sa ka-kornihan nya. Hirap ng mag-isa lang sa bahay e, ikaw na rin ang aalo sa sarili mo.

Balik tayo sa mga manyakis sa mundo.

Kahapon mga bandang alas onse ng umaga, sa isang paaralan na malapit dito sa amin. Isang anim na taong batang babae ang nagekyus sa klase para pumunta sa toilet at mag jingle. Pagbukas nya ng toilet, ano ang tumambad sa kanya? Isang lalaking may maskara sa mukha. Haneeeep. Talagang nag prepare ang manyak na ito, may baong maskara!

Maraming version na ang kwento. May nagsabing nakahubad na daw ang lalaki at sinabihan din yung bata na mag-hubad; kaya lang may pumasok daw na isang batang babae rin. Na nung nakita nung manyak e tinabig ito; at biglang nagtatakbo.

Itong version na ito ang unang narinig ko nung hinatid ko ang mga bata sa kindergarten. Sempre na-shock ako. Kasi parang sa mga balita mo lang yan naririnig. Parang malayong mangyari yan dito sa aming baryo. Pero nung narinig ko kung sino yung batang babaeng unang nakaharap ng lintek na manyak na yon, naiyak sa galit si Kengkay. Biglang umuwi. Ang kaso mo madadaan ko yung eskwelahan kung saan nangyari ang insidente. Naku, lalong nang-gitgit si ako. Kasi dito mag-aaral ang panganay kong anak next year.

At dahil, parang anak-anakan ko dito sa Alemanya yung batang muntik ng ma-sexually molested. Yung batang yon e isa sa mga best friends nitong panganay kong anak. Kapitbahay namin. Isa sa mga parating kumakatok sa bahay, at nakikitelebabad sa anak ko. Isa sa mga nakikipila sa ice cream at sa french fries at sa newly baked cookies. Ah basta, mula nung maliit sya at ngayong nawalan ng dalawang ipen sa harapan, e kilala ko na sya. Nakakasakit ng ulo, arrgh.

Gusto kong tawagan ang nanay nya, pero anong naman sasabihin ko? Sorry sa mga nangyari? Di yata sapat yon. Atsaka mabuti nga at walang nangyari di ba? Tinawagan ko si Kengkoy. Kinuwento ko habang hagulgul na naman beauty ko. Sabi nya puntahan ko daw. Sabi ko atsaka na kapag ready na ako. E baka cool lang yung nanay nung bata tapos ito namang si Kengkay overacting. Masyado kasi akong affected kapag tungkol sa mga bulilit ang topic e. Samantalang dati e pinagtatawanan ko yung mga umiiyak sa sinehan, hayy…

Ang narinig ko, hindi nahuli yung lintek na manyakis. Kahit na ang bilis mag respond ng mga pulis. Pero kumusta kaya yung bata? Nung sinundo ko sa kindergarten ang mga little kengkays e nakita ko syang nakasakay sa kotse ng nanay nya at super laki ng ngiti at kaway kaway pa sya sa akin. Hmm, teka muna, parang namilikmata ako. Pero am happy na happy sya.

Ngayong gabi, tinulak ko ang asawa ko na puntahan yung kapitbahay namin para lang itanong kung okay na yung bata. Nakausap nya ang nanay. Ang version e ito: nagpunta mag-isa sa toilet para juminggle. Pagbukas ng pinto sa toilet e may mamang nakamaskara sa harap nya. Hindi sya nakasigaw. Pero dahil may narinig atang kung ano yung mama, e biglang nagtatakbo palabas. Yun lang. At wala ng iba.

Kung ano ang effect nun sa bata, di natin alam. Kasi busy pa rin sa laro. At happy girl pa rin sya. Baka sa panaginip lumabas daw. O kaya e kapag medyo malaki na sya e dun sya magkaron ng trauma. Hindi natin alam. Sana lang, I hope and pray, na ang pagiging bata nya e magamit nya para malimutan ang masamang panaginip na ito.

Hindi ko alam kung papano iku-kwento sa mga bata ito. Pero dapat kong ikwento para alam nila ang dapat nilang gawin… Yung eskwelahan, kasi dito walang security guards at hindi closed ang gates e. Tapos hindi rin naka-lock yung main entrances nila.

Kaya ang ginawa nila, and implemented na since today: Buddy system. Na kapag may pupunta ng toilet during class hours, dala-dalawa. Tapos lahat ng class rooms e may naka assigned na pito (whistle) na dadalhin ng mag-buddy sa toilet. Isa ang maiiwan sa labas, at nakabukas ang pinto. Sinabihan din ang mga bata na sumigaw ng malakas kapag may na-engkwentong strangers or mga manyak na aliens.

Itong aking anak-anakan, kasama ng ka-grupo nyang naglalakad araw-araw; ay may nakasabit ng necklace na kapag binatak mo e puputok. Pang agaw attention, just in case. Aside pa dun sa in big groups na sila magsasabay-sabay ngayon.

Ewan ko ba. Tapos narinig ko pa yung nangyari sa Glorietta. (I pray for those affected and their families. Have faith.)

Nakakasakit talaga ng ulo di ba? Pero I still believe that the world is a beautiful place.

No comments:

Post a Comment